Advertisers
TIMBOG ang tatlong lalaki, kabilang ang isang dati nang sumabit sa droga, nang makumpiskahan ng lagpas sa P.7 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Harvey Spencer Lim Hong, 22, ng Morato Mansion, Quintin Paredes St., Binondo, Manila; Ian Balbastro, 20, ng Aguilar St., Binondo; at Mark Jason Palad, 24, ng Vitas St., Deca Homes, Tondo.
Sa report, dati nang dinampot si Palad dahil sa pag-iingat ng iligal na droga noong Abril 10. 2020 ngunit isang linggo lamang nakulong dahil nagpiyansa sa korte sa Maynila.
Nasakote ang tatlo bunga ng operasyon noong Oktubre 24, 2020 kungsaan nalambat ang dalawang online sellers na sina Michael Mendoza, 44; at Harold Gonzales, 29, at pagkakumpiska ng isang kilong marijuan mula sa kanila sa Malabon City.
Nakilala ang mga kasabwat ng mga naunang dinakip noong Sabado kaya isinagawa ang buy-bust laban kina Hong, Balbastro at Palad sa Victory Mall parking lLot sa Brgy. 72, Caloocan City.
Anim na kilo ng marijuana na may halagang P720,000.00, tatlong gramo ng high-grade marijuana at Kush na may halagang P4,500.00 ang nasamsam..(Beth Samson)