Advertisers
LUMAGPAS na sa critical level ang bahagi ng Pampanga River sa bayan ng Candaba bunsod ng mga bagyong Quinta at Rolly na dumaan dito.
Ayon sa data ng Pampanga River basin flood forecasting and warning center, nasa 5.19 meters na ang lebel ng tubig ng ilog nitong Linggo.
Sa monitoring ng Candaba MDRRMO, umabot sa 8 na talampakan ang pinakamataas na lebel ng tubig sa Brgy. San Agustin sa bayan.
May mga bahagyang nasira na mga bahay dahil sa pagguho ng lupa. Inilikas ang mga pamilyang apektado at ngayo’y nasa mga evacuation center habang hindi pa ligtas balikan ang kanilang mga bahay.
Dahil inaasahan pa ang mga pag-ulan, inaasahan na ang pagtaas pa ng baha hindi lang sa Candaba kundi pati sa mga karatig bayan ng Apalit at San Simon, maging sa Calumpit, Bulacan.
Patuloy ang isinasagawang pre-emptive evacuation sa mga residenteng nasa coastal at upland barangay ng Pampanga.(PFT team)