Advertisers

Advertisers

Ryza Cenon ginamitan ng vacuum para mailuwal ang baby boy

0 292

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAHIGIT 13 hours din nag-labor si Ryza Cenon sa panganay nila ng ama ng anak na si Miguel Antonio Cruz.

Alas-singko ng madaling araw bago tuluyang lumabas sa sinapupunan ni Ryza si Baby Night nung October 30 na expected na November pa isisilang.



Baby Boy ang panganay nina Ryza at Miguel na tumitimbang ng 2.68 at may haba na 49  centimeter.

Kahit nga masakit ay kailangan tiisin ni Ryza ang kanyang pagle-labor nang dalhin ito sa St. Lukes Hospital.

Normal delivery ang aktres sa tulong ng vacuum at inamin ni Ryza ang sakit na kanyang naranasan pero nang lumabas daw ang kanyang Baby Boy ay tila naibsan ang lahat ng hirap.

***

Netizens nanghinayang sa pag-ayaw na ni Michelle Gumabao sa pagsali sa pageant



MARAMI ang nanghinayang na netizens sa binitawang salita ni Michelle Gumabao na hindi pinalad na masungkit ang titulo ng Miss Universe Phillipines 2020.

Si Rabiya Mateo na taga-Iloilo ang masuwerteng nakasungkit ng korona para sa Miss U-Phils

Nanghihinayang naman ang netizens sa pag-atras  na ng sister ni Marco Gumabao sa pagsali sa mga pageant.

Magiging huling pagsali na nga ni Michelle ang katatapos lang na beauty pageant.  Nalungkot naman ang followers ni Michelle dahil ayaw na nitong sumali sa mga patimpalak-kagandahan.       Ayon pa sa netizens na malaki pa naman daw ang potensyal na masusungkit din nito ang titulo at gayahin nga raw si Pia Wurtzbach na matapos hindi manalo nuon ay sumabak muli hanggang sa tanghaling Miss Universe.

Well, well, well… ‘Yun na!