Advertisers
UMAKYAT na sa 387,161 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases ang naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,772 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Nobyembre 3.
Habang ang aktibong kaso ay umabot na lamang sa 30,876.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Pampanga na may 154 new cases, Quezon City na may 115 new cases, Laguna na may 83 new cases, Baguio City na may 70 new cases at Manila na may 69 new cases.
May naitala namang 153 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH. Dahil dito, umabot na sa 348,967 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
May 49 naman na bagong nasawi dahil sa virus dahilan para umabot na ngayon sa 7,318 ang kabuuang bilang ng death case. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)