Vice Ganda at Ivana, magsasama sa pelikula; Angel nahikayat ang fiance na si Neil na ikasal sa simbahan
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI marrying type ang fiance ni Angel Locsin na si Neil Arce. Hindi kasi ito naniniwala sa kasal. Pero si Angel ay gustong makasal sa simbahan.
Kaya kinausap niya nang masinsinan si Neil. Sinabi niya na gusto niya na humarap sa altar na may basbas ng pari ang pagsasama nila. Kaya ang ending, pakakasalan na nga siya ng businessman, na dating boyfriend ni Bela Padilla.
Next year magaganap ang kanilang kasal na dapat ay this year. Kaya lang, dahil sa pandemya, ay inurong na nga lang nila ito.
***
HINDI patitinag sa pandemya ang Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN. ‘Yan ang ibinalita ni Direk Olive Lamasan.
Bagama’t nahihirapan ang Star Cinema na kumilos sa gitna ng pandemya, ikinatuwa ni Direk Olive ang tagumpay ng digital movie series na The House Arrest of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Plano naman itong sundan ng isa pang proyekto, ang After Forever, na isu-shoot naman sa Amerika.
Malapit na ring matapos ang pelikula nina Coco Martin at Angelica Panganiban na Love or Money, na kinunan sa Dubai bago pa man tumama ang pandemic.
Balak din umano ng Star Cinema na pagsamahin sa pelikula sina Vice Ganda at Ivana Alawi, although hindi naman nagbigay ng detalye si Direk Olive.
Stick-to-one, or in this case, stick-to-Dos pa rin ang drama nina Liza Soberano at Enrique Gil, na nag-aabang lang ng tamang timing para i-resume ang kanilang project with Star Cinema. Matatandaang inayawan ng LizQuen ang offers sa kanila ng ibang istasyon, at nagdesisyong manatili sa kampo ng ABS-CBN sa gitna ng malawakang lipatan na nangyari gawa ng shutdown ng network.
***
BIDA naman si Joshua Garcia sa Star Cinema horror film na Mama Susan, sa direksyon ni Chito Roño at sa pakikipagtulungan ng Regal Entertainment. Ito ang pinakahuling pagsabak ni Direk Chito sa paggawa ng horror movie matapos ang mahabang panahon.