Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mababang bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 na umabot lamang sa 987 nitong Miyerkules, Nobyembre 4 .
Samantala ay mayroon namang naitalang 140 na gumaling at 49 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.2% (31,679) ang aktibong kaso, 89.9% (349,091) na ang gumaling, at 1.90% (7,367) ang namatay.
Habang ang aktibong kaso naman ay nasa 31,679 o 8.2 porsyento.
Ang mababang bilang ay bahagi ng epekto ng typhoon “Rolly”.
“We further caution that this decrease may still be observed over the next few days, and may be followed by a relative “increase” in newly reported cases in the coming days or week.”
“We will continue monitoring this development and ensure accurate reporting of our COVID-19 data,” ayon pa sa DOH. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)