Advertisers

Advertisers

Nurse na naka-quarantine timbog sa pagtutulak ng shabu

0 240

Advertisers

NAARESTO ng mga elemento ng Midsayap Municipal Police Station-Drug Enforcement Unit ang isang nurse sa drug-buy bust operation sa Twin Cubs Haven Inn sa Barangay Poblacion 6, Midsayap, Cotabato nitong Martes.
Kinilala ang dinakip na si Julius Ceasar Dadero Duque alyas Jules, nasa hustong gulang, registered nurse, ng Barangay Poblacion 4, Midsayap.
Ayon kay Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap MPS, nasa ilalim ng 14-day quarantine si Duque nang nakasalamuha nito ang mga taong nagpositibo sa Covid 19 dahil narin sa uri ng trabaho nito. At nitong Miyerkules ang panghuling araw nito sa quarantine at nakatakda na sanang lalabas sa pasilidad.
Ayon sa mga empleyado ng establisyemento kung saan naka-quarantine, napansin nilang may naghahatid ng “pagkain” kay Duque kungsaan siya mismo ang nakikiharap sa tagapaghatid sa halip na iiwan na lamang sa guwardya ang mga ito na siyang pinagdududahan nila.
Nakuha sa posisyon ng nurse ang isang maliit na pakete ng plastik na naglalaman ng shabu.
Ito ang ikalawang beses na nahuli si Duque dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga. Una siyang nakulong noong nagdaang taon ngunit nakalaya ito dahil sa pag-avail sa ‘plea bargaining agreement’.
Kasalukuyang nakakulong si Duque sa custodial facility ng Midsayap PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.