Advertisers
UMABOT na sa 389,725 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa Covid-19 sa bansa matapos madagdagan pa ng 1,594 ngayong araw.
Gayundin, patuloy ding nadagdagan ang bilang ng mga nakarekober na umabot na rin sa kabuuang bilang na 349,543 dahil sa bagong 468 recoveries.
Habang 42 naman ang nadagdag sa mga pumanaw dahilan para umakyat na sa 7,409 ang nasawi sa Covid-19.
Ayon sa case bulletin ng Department of Health (DOH) ang aktibong kaso ngayon na naitala ay nasa 32,773 na lamang.
Sa mga bagong kasong naitala nitong Huwebes, Nobyembre 6, ang Maynila naman ngayon ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso kung saan mayroon itong 253.
Sinundan ito ng Cavite na may 126, mayroon ding 78 sa Davao City, 78 sa Rizal at 73 kaso sa Quezon City.
Halos 93.1% naman ang mild at asymptomatic na kaso at ang porsyento ng mga nagpositibo ay 8.0%. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)