Advertisers

Advertisers

Immigration officials na sangkot sa ‘pastillas scheme’ ipapatawag ni Duterte sa Palasyo

0 194

Advertisers

IPATATAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga nasuspindeng opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Sen. Go, sa Lunes haharapin ni Pangulong Duterte ang mga nasuspindeng opisyal ng Immigration na umano’y sangkot sa tinatawag na systematic corruption sa ahensya.
Pangunahin sa mga nasuspindeng opisyal ay ang mga sangkot umano sa “pastillas scheme” sa airport o mga tumatanggap ng pera na mistulang pastillas na binalot sa papel kapalit ng mabilis na pagpapapasok ng mga Chinese sa bansa.
Pahayag pa ni Sen. Go, gagawin nang regular ni Pangulong Duterte ang pag-aanunsyo sa publiko ng mga pangalan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno para madala ang mga ito at huwag nang gayahin pa ng ibang nagsisilbi sa pamahalaan.
Nitong Lunes ay isa-isang inianunsyo ni Pangulong Duterte ang mga umano’y tiwaling opisyal ng Immigration, Bureau of Customs (BOC) at PhilHealth. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)