Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,092 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong Biyernes, Nobyembre 6.
Dahil dito umabot na sa 391,809 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 34,374 o 8.8 porsyento ang aktibong kaso.
Samantala ay mayroon namang naitalang 462 na gumaling at 52 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.8% (34,374) ang aktibong kaso, 89.3% (349,974) na ang gumaling, at 1.90% (7,461) ang namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)