Advertisers
MAHIGPIT na itinanggi ni Philippine Red Cross chairman Senador Richard Gordon na mukhang pera ang kanilang organisasyon.
Ginawa ni Gordon ang pahayag matapos na punahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PRC sa pagpapahinto ng COVID-19 tests dahil hindi pa nakabayad ang PhilHealth ng utang na P1.1 bilyon sa Red Cross.
Ayon kay Gordon, bibigyan niya ng benefit of the doubt ang pangulo at posibleng ang tinutukoy nito ay ang mga nagsamantala noong inihinto nila ang COVID-19 testing.
Nakiusap ang senador na dahan-dahan naman sa pananalita sa PRC dahil malaki naman ang naitutulong nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Aniya, ang PhilHealth naman ang umutang sa Red Cross para makapagsagawa ng testing, kaya dapat lamang na bayaran ng ahensya ang nagastos dito.
Dagdag ni Gordon, may hindi pa nababayarang P377 milyon na utang ang PhilHealth sa PRC. (Mylene Alfonso)