Advertisers

Advertisers

Lalaki nakaligtas sa pamamaril, ‘tinuluyan’ sa ospital

0 253

Advertisers

Nakaligtas ang isang lalaki sa unang pamamaril sa kaniya pero hindi tinantanan ng mga salarin at sinundan ipa ito sa ospital at muling binaril sa Angono, Rizal.
Kinilala ang biktima na si Vincent Adia, 27-anyos, at may alyas na “Enteng Bungal.”
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente 11 ng umga nitong Miyerkules nang pasukin ng gunman ang emergency room ng Rizal Provincial Hospital System, Angono Annex at pinagbabaril ang biktima.
Sa repot, bago ang pangyayari, pinagbabaril din si Adia ng 3 ng madaling araw ng parehong araw nang hindi pa matukoy na gunman sa Mahabang Parang.
Nagpatay-patayan si Adia kaya nakaligtas, saka siya isinugod sa ospital ng mga dumaang taga-barangay.
Ayon pa sa ulat, nag-iwan pa ang gunman ng karton sa tabi ng biktima kung saan may mga nakasulat na “Pusher ako.”
“Naibigay naman niya ‘yung pangalan niya. Pero ‘yung mga pangalan ng gumawa, ayaw niyang sabihin. Puro ungol lang ang sinasabi niya. Hindi siya makausap nang maayos,” sabi ni Police Leiutenant Colonel Richard Corpus, Chief of Police ng Angono.
Bago magtanghali, binalikan si Adia ng gunman at pinagbabaril sa harap ng mga hospital staff at iba pang testigo.
Sa report,, naglakad lamang ang gunman palabas ng ospital.
Hindi pa hawak sa ngayon ng pulisya ang CCTV ng ospital. Hindi naman mapakinabangan ang mga CCTV ng nakakasakop na Barangay San Isidro dahil sinira ang mga ito ng bagyo.(PFT team)