Advertisers

Advertisers

LGUs pinuri ni Sen. Go sa pagtugon sa Bagyong Rolly

0 272

Advertisers

KUNTENTO si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kaugnay sa pagtugon ng mga Local Government Units at national government agencies sa paghagupit ng supertyphoon Rolly.

Sa kanyang pagbisita sa mga nasalanta ng bagyo sa Lobo, Batangas, sinabi ni Go na sa tulong ng mga LGUS na talagang nakapaghanda bago dumating ang bagyo, naiwasan ang mas matinding sakuna.

Ayon kay Go, mahalaga ang buhay ng bawat tao dahil ang gamit at mga ari-arian ay madaling palitan pero ang buhay ay hindi na mapapalitan kapag nawala.



Pinasalamatan din ni Go ang mga government agency na agad na tumugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtulung-tulong para maibalik agad sa normal ang lahat sa mga komunidad na nasalanta.

Binigyang-diin ni Go na pasado sa kanya ang ginawang pagtugon ng mga LGU at national government agencies dahil ang mahalaga sa kanya ay walang masaktan at mapahamak.

Una nang dinalaw ni Go kasama ng Pangulo ang mga nasalanta ng supertyphoon Rolly sa bahagi ng Bicol. (Mylene Alfonso)