Advertisers
Tinatayang aabot sa halagang P7.1 Milyong piso ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa notoryus sa pagbebenta ng illegal na droga sa Brgy, Sta. Cruz Porac Pampanga ng mga tauhan ng drug enforcement units.
Sa report na tinanggap ni PBGen. Valeriano T De Leon,kinilala ang nadakip na suspek na si Khalid Monte Y Montealto na kabilang sa High Value Individual at residente ng Angeles City.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nadakip si Monte, via buy bust operation sa nabangit na lugar.
Nakuha sa kanya ang 6 na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 1.25kgs isang cellphones,isang Toyota Corolla na may plakang TRA 403 na kulay Silver at php 2,000.00 cash, kabilang ang boodle mark money na Php 9,500.
Samantala paglabag sa Secs. 5 & 11, Art II of RA 9165 ang isasampa laban sa suspek.(Thony D Arcenal)