Advertisers

Advertisers

Panukalang caroling ban tatalakayin sa mga susunod na IATF meeting

0 260

Advertisers

TATALAKAYIN ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga susunod nitong meeting ang panukalang ipagbawal ang caroling lalo sa kalsada sa darating na Kapaskuhan dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa ito natalakay pero tiyak nitong maisasama ang panukala sa mga susunod na meeting ng IATF.
Ipinanukala ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang caroling ban para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Inihayag ni Gov. Mamba na maaaring magpalabas ng ordinansa ang local government unit (LGU) pero mas epektibo kung manggagaling ito sa IATF. (Josephine Patricio)