Advertisers
Naaagas na bangkay na nang matagpuan ang isang guro na ilang araw nang nawawala sa Kolambugan, Lanao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Arthur Flores. At ang suspek kinilalang si John Mark Niano, na sumuko at umamin sa krimen.
Sa report, nagsumbong ang isang concerned citizen na may nangangamoy daw na bangkay sa Barangay Pantar.
Dahil dito, nagtungo ang mga awtoridad sa lugar kasama ang pamilya ni Flores.
Nakilala ng pamilya ang guro dahil sa mga naiwan niyang personal na gamit sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon sa ulat, anim na saksak sa katawan ang ikinamatay ni Flores.
Tinitingnan ang anggulo ng pagnanakaw dahil sa nawawalang motorsiklo ng biktima.(PFT team)