Advertisers
Dead on arrival sa pagamutan ang dalawang drug suspects sa inilunsad na anti-drug operation sa Kidapawan City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tong Alba Sabandal, 42, may asawa; at Tambak Abok, 29, binata at pawang residente ng Sitio Labog Purok Mangga Barangay Amas Kidapawan City.
Ayon sa ulat, pinasok ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Unit ang tahanan ng mga suspek dala-dala ang search warrant ng korte.
Ngunit bigla umanong nanlaban ang mga suspek at pinaputukan ang raiding team kaya napilitan itong gumanti.
Sa pahayag naman ng pamilya ng dalawang napatay na hindi ito nanlaban dahil wala silang armas at dudulog umano sila sa Commission on Human Rights.(PFT team)