Advertisers

Advertisers

Biden para di biten!

0 246

Advertisers

Sana raw si Joe Biden na maideklara na nanalong presidente ng Estados Unidos ayon kay Ka Berong. Ito raw ay para hindi masayang ang mga pagsisikap nina LeBron James at iba pang atleta na mabago ang sitwasyon sa kanilang bansa.

Bagama’t yung iba hindi naman tahasan na anti-Trump ay matindi naman kampanya sa mga kababayan na lumabas at gamitin ang karapatang maghalal ng mga opisyales. Sinasabi na ang mga dating hindi bumoboto ay ang mga reklamador pa sa pamamahala ng Republican na pinuno.

Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay kulang na lang ng 17 electoral na boto ang dating pangalawang pangulo upang matiyak na siya magiging ika-46 na lider ng superpower na nasyon, Mayroon kasing 253 si Biden at 213 lang si Trump. Unang maka-270 sa kabuuang 538 ang magwawagi.



Lamang din ng 4M sa popular vote ang bet ng Democratic Party sa pangkalahatan. Kaso sa kanila ay kung sino ang nakaabante sa isang state ay sa kanya mapupunta ang lahat ng electoral vote nito, Halimbawa ay ang California na may 55 at ang New York naman ay may 29.

Kapag natuloy ang trend sa bilangan ay masisiguro na victory rin ito ng mga basketbolista na aktibo sa halalan. Tiyak na mag-courtesy call pa sina LBJ at ang Los Angeles Lakers sa White House sa 2021. Tradisyon na kung sino kampeon sa NBA ay nagiging espesyal na panauhin sa opisina ng presidente. Kaya ang Golden State noong 2018 ay inisnab si TruMP Hehe.

***

Ganado at mukhang nagbago na nga si Calvin Abueva sa kanyang pagbabalik sa PBA. Kitang-kita naman sa kanyang laro at sa mga victory ng Phoenix. Kakahawa talaga ang energy ng The Beast. Aba dapat lang naman na changed man na siya kasi ito ang hanapbuhay niya na pangsuporta sa kanyang pamilya at iba pang umaasa sa Kapampangang cager.

Oo kahit may eatery siya ay hindi noon mapapantayan ang kita niya bilang player.



***

Inip na si Pepeng Kirat sa muling pagbubukas ng NBA. Pinipilit ng liga na makabalik sa ika-22 ng Disyembre

Hindi na raw exciting kay Pepe ang PBA kahit pa isang conference lang ito ngayong 2020.

Dami rin mga bagong usbong na mga star ang lokal na pro league. Nandyan sina Raul Soyud ng NLEX, RJ Jazul ng Phoeniz at Mo Tautauaa at siyempre ang lifting ng suspensyon ni Abueva.