Advertisers
PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga tinatamaan ng Corona virus disease o Covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Nobyembre 7, ng karagdagang 2,157 na bagong kaso dahilan para pumalo na sa kabuuang 393,961 ang kaso ng naturang sakit sa bansa.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 36,260 o katumbas ng 9.2%.
Nasa 252 naman ang bagong recoveries at 24 ang pumanaw.
Batay sa DOH case bulletin, umabot na sa 350,216 ang gumagaling sa Covid-19 habang 7,485 naman ang namatay na sa sakit.
Ilan sa mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ngayong araw ay ang Quezon City, 115; Davao City, 107; Rizal, 105; Bulacan, 102; at Cavite, 82.
Ang mild at asymptomatic na kaso ay nasa 93.7%.
Paalala naman ng DOH sa publiko na paigtingin pa ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards sa tahanan at sa komunidad upang hindi na tumaas pa ang kaso ng Covid-19 sa bansa. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)