Advertisers
Arestado ang dalawang indibiwal kasama ang isang dating barangay kapitan sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Triangulo, Naga City.
Kinilala ang mga suspek na si Alfredo Valencia Jr., 53; at Raymund Arevalo, 45-anyos, dating barangay chairman, at residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, nakuha sa mga suspek ang dalawang piradong small heat sealed transparent plastic sachet at buy bust money.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.(PFT team)