Advertisers
Pinagtataga ang isang ginang ng kanyang live-in partner na nagpakamatay rin nang malaman na may textmate sa North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Emelyn Pawon Liwantang, 35.
At ang salarin kinilalang si Eddie Pael Sumongsong, 38.
Sa report, 8:00 ng gabi nitong Biyernes nang maganap ang krimen sa kanilang bahay sa Purok 4, Barangay La Fortuna M’lang, North Cotabato.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa nang malaman Sumonsong na may ka-text na ibang lalaki si Liwantang.
Pilit na kinukuha ni Sumongsong ang cellphone ng biktima pero tumangging ibigay ito ng ginang.
Sa galit, kumuha ng itak ang salarin at pinagtataga ang kinakasama saka niya nilaslas ang sariling leeg gamit ang matalas na itak.
Ayon sa mga kamag-anak, madalas na nagtatalo ang dalawa dahil sa selos at paghihinala ng salarin na may ibang lalaking kinalolokohan ang biktima.(PFT team)