Advertisers
Patay ang driver ng isang van nang bumulusok sa creek malapit sa ginagawang tulay sa Daang Hari Road sa Molino IV, lungsod ng Bacoor, Cavite, Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Leon Atienza Jr., 54.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa minamaneho L300 van ni Atienza, sa kurbada malapit sa isang mall sa direksyon papuntang Alabang 12:30 ng madaling araw.
Dahil walang harang sa gilid ng tulay, dumiretso ang van pabagsak sa creek at tumama ang sasakyan sa malaking pipe na bakal na nasa creek.
Nawalan ng malay si Atienza na malubhang nasugatan at kinailangan pang ilagay sa stretcher.
Idineklarang patay sa ospital ng 1:50 ng madaling araw ang biktima.(Irine Gasccon)