Advertisers
KULONG ang dalawang misis nang magnakaw ng hotdog sa isang pwesto sa palengke sa Quezon City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Salve Tedencia, 58; at Eva Tedencia, 50, kapwa residente ng Molave St. Barangay Payatas, Q.C.
Inireklamo ang dalawa ni Paulo Primitivo, 42, negosyante ng Cluster 61D Green Hills Garden Square, Boni Serano, Q.C.
Sa ulat, 5:00 ng madaling araw nang magpanggap na mga customer ang mga suspek at kumuha ng mga hotdog na hindi binayaran.
Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nakita sila ni Primitivo na agad humingi ng saklolo sa mga pulis na nasa lugar dahilan para maaresto agad ang mga ito.
Narekober mula sa mga ginang ang pitong supot ng hotdog na kanilang ninakaw sa tindahan ng biktima.
Nahaharap ang dalawang ginang sa kasong theft. (Boy Celario)