Advertisers

Advertisers

COVID-19 vaccines, tiyaking ligtas – Sen. Go

0 191

Advertisers

“MAHALAGANG matiyak na ligtas ang bakuna oras na maging available na ang kontra sa COVID-19”.

Ito ang iginiit ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kasabay ng pahayag na nag-file na siya ng panukala hinggil sa immunization program na dapat mapaigting pa.

Ayon kay Go, ngayon na mayroon nang naitalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na Vaccine Czar, dapat masiguro na handa din ang storage ng vaccine at hindi masira at ang accessibility at affordability nito sa taumbayan.



Sinabi ni Go na dapat sagutin na ng gobyerno ang bakuha ng mga kababayang walang walang inaasahan.

Ipinaalala ni Go ang unang pahayag nila ni Pangulong Duterte na dapat unahin ang mga mahihirap at vulnerable sector na mabigyan ng bakuna para makabalik agad sa normal na pamumuhay oras na ideklarang ligtas na ang bakuna laban sa COVID-19. (Mylene Alfonso)