Advertisers

Advertisers

Mag-utol na paslit nilamon ng sapa

0 207

Advertisers

NASAWI ang magkapatid na paslit nang malunod sa isang sapa na nasasakupan ng Cagayan River sa Barangay Fugu, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang magkapatid na sina Ryan, 5, at Leo Tagao, 4.
Sa ulat, 8:00 ng umaga nang magtungo ang magkapatid sa isang creek, ‘di kalayuan sa kanilang bahay, kasama ang isa nilang nakatatandang kapatid na 8-anyos at isa pang batang kalaro upang maligo.
Ayon sa report, habang masayang naliligo ang apat na paslit sa sapa ay napagawi ang mga ito sa malalim na bahagi, na naging dahilan upang malunod ang mga ito.
Nang makita naman ng kapatid at kasamang kaibigan na nalulunod ang dalawa, tinangka nilang sagipin ang mga ito sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy subal’it nabigo ang mga ito.
Ayon sa magulang ng magkapatid, hindi nila alam na nagtungo ang kanilang tatlong anak sa ilog dahil sa pagiging abala sa gawain sa bukid.(PFT team)