Advertisers

Advertisers

Nakulong sa droga at nang lumaya, tinumba!

0 205

Advertisers

PATAY ang 40-anyos na lalaki na nakulong sa droga at nang lumaya ay pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang salarin sa Dagupan Extension, Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Manolito Bartolome, nakatira sa 742 Benita St., Barangay 185, Tondo.
Tumakas naman ang mga salarin na kapwa nakasuot ng itim na hoodie jacket, itim na short at leggings, itim na facemask at gloves.
Matapos ang pamamaril, kaswal lamang na naglakad ang mga salarin patungo sa direksyon ng riles ng tren ng PNR.
Ayon sa misis ng biktima, dating nakulong dahil sa droga ang mister at nakalaya noong Agosto 2020. (Jocelyn Domenden)