Advertisers

Advertisers

3 tigok, 64 sugatan sa riot sa Bilibid

0 308

Advertisers

TATLO ang nasawi at 64 ang sugatan sa riot sa New Bilibid Prison (NBP) nitong Lunes, ayon sa Department of Justice (DoJ).
Nauna nang sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na sumiklab ang “free-for-all scuffle” sa maximum security compound ng national penitentiary 8:00 ng umaga na kinasasangkutan ng ilang preso o Persons Deprived of Liberty (PDL).
Hindi pa pinangalanan ang mga nasawi.
“That is the current count that reached us but we were told this might not be final yet,” ani Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente.
Magugunitang nito lamang nagdaan na huling linggo ng Oktubre ay nagkaroon din ng riot sa NBP na ikinamatay ng siyam na preso at nasugatan ang pito. (Gaynor Bonilla)