Advertisers

Advertisers

Bgy. captain patay sa ambush sa Cavite

0 473

Advertisers

PATAY ang isang barangay chairman nang barilin ng ‘riding in tandem’ sa may palengke ng Barangay San Dionisio, Dasmarinas City, Cavite, Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Dominador Narido, Jr., nasa hustong gulang, barangay captain ng Brgy. San Dioniosio 1, Dasmarinas City.
Sa ulat, 11:00 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kaniyang kotse (NDK 7822) sa may palengke ng barangay nang dikitan ito ng riding in tandem at sunud-sunod na pinutukan at mabilis na tumakas ang mga salarin .
Sa kasalukuyan, blangko pa ang pulisya sa pangyayari.
(Irine Gascon)