Advertisers
KARAGDAGAN pang 2,058 Covid-19 infection ang naitala ng Department of Health ngayong Lunes, Nobyembre 9.
Nasa 182 naman ang gumaling at 108 ang pumanaw sa sakit.
Sa kabuuan, umabot na sa 398,449 ang kaso ng Covid-19 sa bansa habang 361,784 naman ang mga gumaling na, at 7,647 ang pumanaw.
Samantala ang aktibong kaso ay bumaba na sa 29,018.
Ang mga lugar na may mataas na naitalang kaso ay ang Rizal, 103; Davao City, 81; Mandaluyong, 81; Quezon City, 77 at 76 sa Cavite.
Apat naman ang duplicate na inalis sa total case count kung saan 3 rito ang recovered cases.
Bukod dito, mayroong 33 kaso na na-itag bilang recovered cases ngunit na-reclassify na deaths. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)