Advertisers
NAGPASALAMAT si Mark Espejo sa mga Filipinos na nanoud sa kanyang debut sa Bani Jamra sa Isa Bin Rashid Volleyball League, kahapon ng umaga.
Espejo, na lumipad patungong Bahrain nakaraang Linggo, ay umiskor ng 19 points on 18 attacks at kill block.
Gayunpaman, ang kanyang team ay yumuko sa Al Ahli,13-25,25-20,24-26,18-25.
Pagkatapos, si Espejo ay nagpasalamat sa mga manonoud at nangakong babawi, Ang five-time UAAP Most Valuable Player ay pumasok sa laro sa second set at agad gumawa ng impact.
Ang laro ay mapapanood sa youTube mamayang hating gabi sa Pilipinas.
Ito ang ikatlong laro ni Espejo na import.Dati siyang naglaro sa Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan noong Mayo 2018.
Sa December 2018, naglaro siya sa Visakha sa Thailand Volleyball League matapos tulungan ang Pilipinas sa silver finish sa 2019 Southeast Asian Games.