Advertisers
NASILAT ng Magnolia Hotshots ang NorthPort Batang Pier 83-76, sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Paul Lee, na kumamada ng 31 points sa panalo kontra Rain or Shine nitong Sabado ay nalimitahan sa 14 points, pero ang Hotshot ay nakuha ng double-digit production mula kina Ian Sangalang 23 points, Jackson Corpuz 10 points, Rome dela Rosa 10 points at rookie Aris Dionisio 10 points.
Sa ngayon ay meron na silang limang sunod-sunod na panalo sa 2020 PBA Philippine Cup, para umangat ang kanilang rekord sa 6-4.
Sa panig ng Paint Masters, Christian Standhardinger umiskor ng 18 points at 17 rebounds,habang si Ferrer nagdagdag ng 18 points, matapos maipasok ang apat sa pitong attempts from beyond the arc.
Ang Batang Pier ay nabaon sa 1-8 sa conference.