Advertisers
NAPATAY ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang rapist sa operasyon sa Calamba, Laguna.
Kinilala ang napatay na si Arminio Flores.
Sa ulat, 6:55 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang PNP AKG-IRAD sa Morning Field Subd. sa Goodwill Drive, Barangay Canlubang, Calamba.
Base ang operasyon sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hon. Rommel C. Baybay, Presiding Judge ng Branch 35 4th Judicial Region, Calamba na may Criminal Case No.17778-10-C noong January 7, 2011; Criminal Case No. 17779-2010-C na ipinalabas ni Hon. Meel Arnold B. Belen, Presiding Judge of RTC Branch 36, 4th Judicial Region, Calamba noong November 3, 2011; at Sexual Assault na ipinalabas ng Presiding Judge ng Branch 34, 4th Judicial Region.
Sa report, miyembro ang napatay ng Tyrone dela Cruz KFRG na nag-o-operate sa CALABARZON, PRO3 at Metro Manila area na umaakto ito bilang tipster at tagabantay ng mga biktima.
Kabilang sa biktima ng grupo ang isang Jayson Huang at Eliza dela Cruz na kinidnap sa tapat ng kanilang bahay sa National Highway, Brgy. Pansol, Calamba noong August 9, 2013.
Pinalaya ang biktima nang magbayad ng P1.2 million ransom. (Mark Obleada)