Advertisers

Advertisers

Holyfield, hinamon si Tyson ng rematch

0 188

Advertisers

HINAMON ng rematch ni heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson.
Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson.
Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito.
Lumabas din sa kampo ni Holyfield na iniiwasan siya ni Tyson na makaharap muli.
Nagharap ang dalawa noong 1996 sa MGM Grand sa Las Vegas kung saan nagwagi si Holyfield sa 11th round TKO.
Nag-rematch ang dalawa noong 1997 kung saan naging kontrobersiyal ang laban dahil sa pagkagat ni Tyson sa tenga ni Holyfield sa ikatlong round.