Advertisers
NAKAPAGTALA na ang Office of Civil Defense (OCD) Bicol Region ng isang patay at tatlong nawawala sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa Camarines Norte.
Ayon kay OCD Bicol Spokesperson Gremil Naz, mayroon silang naitalang isang biktima sa bayan ng Daet.
Kinilala ang nasawi na si Avelino Cabanela, 68-anyos, ng Purok 1, Barangay Bagasbas, Daet, na natagpuan ang bangkay sa bubong ng kanilang bahay.
Pero sinabi ni Naz na sasailalim pa ito sa beripikasyon ng management of dead cluster.
Ang tatlong indibidwal na nawawala mula sa bayan ng Vinzons ay sina Jessy Boy Alvarez, 33; Roland Alvarez, 48; at Bobby Masaya, 19.
Sa bayan ng Mercedes, isang nagngangalang Glenn Isaac, 38, ang nasugatan.
Sa huling datos ng OCD Region 5, aabot na sa 2,604 families o 9,282 individuals ang na-displace.(PFT team)