Advertisers
NASAWI ang driver ng ambulansya ng South Bacolod General Hospital habang sugatan ang tatlong sakay nito nang mabangga ng SUV na Montero Sport at tumama rin sa delivery van sa area ng San Sebastian- Lacson Streets, Bacolod City, Miyerkules ng hapon.
Ayon sa ulat, maghahatid ng pasyente sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang ambulansya nang binangga ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Kenny Arillo, 21 anyos at residente ng Brgy. Alijis, Bacolod City, na tatawid sana sa daan mula east to west.
Nabatid na nawalan ng kontrol ang ambulansya at bumangga sa isang JMC Van na minamaneho ni Genesis Graellos mula north papuntang south.
Dinala sa ospital ang driver ng ambulansiya na si Jessie James Tranilla ngunit dineklerang dead on arrival. Sugatan naman ang sakay nitong nurse na si Maria Cajeras, 30; auxillary na si Jose Francisco III Sombero, 34; at pasyente na si Vicente Limaco, 78- anyos.
Naka-detain ang driver ng Montero na si Arillo, habang pending for investigation si Graellos.
Mahaharap si Arillo sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Injury at Damage to Property.