Advertisers
NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 58 katao nang ma-trap sa bumagsak na pader ng abandonadong gusali sa Sta. Monica kanto ng MH Del Pilar sa Maynila dulot ng bagyong Ulysses.
Sa ulat, wala namang nasaktan o nasawi sa mga ni-rescue na nakatira lamang sa tabi ng abandonadong gusali, sakop ng Barangay 668.
Katuwang ng MPD ang mga tauhan ng MDRRMO sa pangunguna ni Director Arnel Angeles sa pag-rescue sa mga evacuee.
Tumulong narin ang mga tauhan ng Department of Public Safety (DPS) sa paglikas sa evacuees na kasalukuyang nakasilong sa Ermita Church.
Samantala, may mga nagbagsakan ding puno sa mga kalsada dahil sa malakas na hangin na may kasamang malakas na pag-ulan ng bagyo, kungsaan karamihan sa lugar sa kalakhang Maynila ay nawalan ng suplay ng kuryente at binaha. (Jocelyn Domenden)