Advertisers

Advertisers

Army, trak, elf at motorsiklo nagkarambola: 1 kritikal

0 250

Advertisers

KRITIKAL ang tsuper ng motorsiklo nang pumailalim sa isang elf truck na nabangga ng Army truck sa bahagi ng tulay sa Palattao, Naguilian, Isabela.
Si Dominador Lizardo, 58 anyos, retiradong sundalo, ng Barangay Furao, Gamu, Isabela, ay minamaneho ang kanyang motorsiklo nang pumailalim ito sa Elf truck na binangga naman ng truck ng Philippine Army.
Ayon kay Ryan Moreno, driver Elf truck, ng Purok # 3, Barangay Cabulay, Santiago City, patungo sila sa Cauayan City kasama ang katrabaho nang mabangga ng kasalubong na Army truck na galing sa kanilang kampo sa Soyung, Echague at patungo sa Camp Melchor dela Cruz sa Upi, Gamu.
Ang Army truck ay minamaneho ni PFC Joel Tamani, 28, miyembro 1FSST, 1FSSU, ASCOM ng Army sa Echague, residente ng Purok #7, Barangay Dammang West, Echague, na dinala naman sa pagamutan, at may kasamang apat pang sundalo na masuwerteng hindi nasugatan.
Ayon kay Moreno, nag-overtake ang Army truck sa isang sasakyan ngunit dahil sa mabilis na takbo ay hindi agad nakabalik sa tamang lane kaya bumangga ito sa kanyang minamanehong Elf.
Sa lakas ng impact ay tumaas ang likurang bahagi ng elf at ang motorsiklong sumusunod ay pumailalim dito na naging sanhi ng pagkasugat ng tsuper ng motorsiklo.
Tumaligid naman ang Army truck at nasaktan ang tsuper nito.
Ang nasabing aksidente ay nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko 9:00 ng umaga sa national highway sa nasabing bayan.
Samantala, ayon kay PCapt. Melvin Villanueva, hepe ng Naguillan Police, nag-usap na ang magkabilang panig para magkaayos sa abogado. (Rey Velasco)