Advertisers

Advertisers

Caregiver tumalon sa 8th flr. ng gusali, lasog

0 224

Advertisers

NASAWI ang isang caregiver nang tumalon mula sa ikawalong palapag ng gusali sa Mayhaligue St., Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Victoria Salandron, 53, stay-in caregiver sa 8th Floor ng Great Link Building na matatagpuan sa 1221 Mayhaligue St., kanto ng Sanchez St, Tondo.
Ayon kay Eleson Delos Reyes, natutulog siya sa harapan ng gusali nang may marinig na malakas na kalabog mula sa itaas at nakita niya ang biktima na nakahandusay sa lapag.
Sinasabi naman ng katrabaho ng biktima na si Marife Malolloyon na nakita pa niyang kausap ng biktima sa cellphone ang anak na lalaki bago nangyari ang insidente.
Napag-alaman din na may matagal nang iniindang sakit ang biktima ngunit hinadlangan siyang magpatingin sa doktor ng may-ari ng gusali na si Anna Ramirez, bilang pag-iingat narin sa Covid-19.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari habang hinihintay ang resulta ng kanyang autopsy. (Jocelyn Domenden)