Advertisers
UMABOT na sa 402,820 ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa karagdagang 1,407 na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Nobyembre 12.
Nadagdagan naman ng 211 ang mga gumaling sa sakit habang 11 lamang ang pumanaw.
Sa ngayon, nasa 362,417 na ang kabuuan ng mga nakarekober at 7,721 naman ang pumanaw.
Ang aktibong kaso ay umabot na lamang sa 32,682 kung saan nasa 83.6% ang mild case, 9.4% ang asymptomatic, 4.4% ang critical, 2.4% ang severe at ang moderate case ay 0.10
Karamihan sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 ay ang Davao City na may 214; Eastern Samar, 75; Rizal, 75; Cavite, 64; Quezon, 54.
Tatlong duplicates naman ang inalis sa total case counts kung saan ito ay recovered cases.
Walo naman ang na-tag bilang recovered case ang na-reclassified bilang deaths. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)