Advertisers

Advertisers

Guro na tulak ng shabu balik selda sa Cagayan

0 253

Advertisers

Cagayan – Balik sa kulungan ang isang guro matapos mahulihan uli ng ipinagbabawal na droga sa drug buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Solan ng lalawigan.
Nakilala ang guro na si Merlito Addun, residente ng Solan.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000 at marked money na ginamit sa buy-bus.
Nabatid na unang nakulong ang guro noong 2018 dahil rin sa kaparehong kaso at nakalabas lamang nitong May 2020 ngunit muling bumalik sa bisyo.
Depensa naman ng guro, may katagpo lamang siyang kaibigan at dating kasamahan sa kulungan para kunin ang isang manok at itinangging nagbebenta siya ng shabu.
Nahaharap uli ang guro sa kasong may kinalaman sa R.A 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Rey Velasco)