Advertisers

Advertisers

Mala-Ondoy na baha naulit ni ‘Ulysses’ sa Marikina

0 231

Advertisers

MISTULANG naulit ang mala-Ondoy na pagbaha sa malaking bahagi ng Marikina City, Cainta at San Mateo, Rizal.
Bunga ito ng magdamag na pag-ulan nitong Huwebes, dala ng bagyong Ulysis kungsaan lampas bubong ang pinakamataas na tubig sa Marikina at San Mateo. Umaapela ang mga residente na sila ay ma-rescue.
Ayon sa maraming residente, hindi nila inakala na magiging mabilis ang pag-angat ng tubig dulot ng magdamag na buhos ng ulan.
Inihayag ng ilang residente ng Marikina na umabot na sa second floor ang baha sa kanilang mga bahay partikular sa Provident Village na dati naring nalubog noong nanalanta ang bagyong Ondoy.
Samantala, na-stranded ang maraming motorista sa bahagi ng Marcos Highway na sakop ng Cainta, Rizal at maging ang Sumulong Highway sa Marikina at malaking bahagi ng lungsod
Kung matatandaan, ang Marcos Highway din ang matinding pinalubog ng baha ng bagyong Ondoy.
Ilang bahagi din ng Cainta ang lubog sa baha na dahilan ng paglikas ng daan-daang pamilya. Ayon sa ilang residente, hindi sila makabalik sa kanilang mga bahay dahil umabot na hanggang bewang ang tubig.(Gaynor Bonilla)