Advertisers

Advertisers

Masamang politika sa sports

0 211

Advertisers

SA kabila ng mga tagumpay na nakamit ng Pilipinas sa pag-host sa nakaraang Southeast Asian Games, kungsaan natighaw ang 14-taon pagkauhaw ng bansa sa overall championship sa biennial games, at pagkaroon ng mga modernong pasilidad, world-class, ay binabalot parin ng masamang politika ang Philippine sports. Tsk tsk tsk…

Sa pag-host ng Pilipinas sa SEA Games, naipagawa ang Rizal Memorial Coliseum na ilang dekadang napabayaan; nakapagtatag ng Clark City Athletics Stadium & Aquatics Center, pati Athletes Village na world-class ang kalidad.

Naisabatas din nitong Hunyo 2020 ang panukalang magtatayo ng National Academy of Sports, isang specialized high school para sa mga naglalayong maging mahusay na atleta sa susunod na mga taon. Siguradong magagamit ng mga estudyante ang mga pasilisad sa New Clark City. Mismo!



Pero… anak ng tokwa, sa kabila ng lahat ng magagandang nangyari noong nakaraang taon sa larangan ng sports, hindi parin matigil ang ibang grupo sa paghahanap ng maipupukol na masama sa mga taong nagta-trabaho para matulungan ang administrasyong Duterte na maipatupad para sa atleta at kabataang Pilipino.

Sa isang press conference kamakailan, nabanggit ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at naging pinuno ng SEA Games Organizing Committee, na binalaan sila noon bago magsimula ang preparation para sa mga SEA games event na malala ang pulitika sa sports at karamihan ay kinasuhan pagkatapos.

Sa halip na paghinaan ng loob, sinabi ni Cayetano kay Philippine Sports Commission (PSC) Butch Ramirez na mas mahalaga na mabigyan ng “one moment of pride” ang ating bansa at matayo ang mga pasilidad kaysa matakot sa mga kasong maaring isampa ng mga kritiko.

Idiniin din ni Cayetano na bukas ang PHISGOC sa anumang imbestigasyon, ngunit ayaw nila ng “witch hunt” na naglalayon lamang manira ng mga reputasyon ng mga opisyal ng PHISGOC, PSC at POC.

Nilahad sa press conference na ang pondong P6 bilyon para sa SEA games ay hindi ibinigay sa PHISGOC lahat. Oo! P1.48 bilyon lamang ang direktang binigay sa PHISGOC ng PSC. Umabot pa ng halos 15 buwan bago matapos ang pag-release ng pondo sa PHISGOC. Ang P3 bilyon naman ay ibinigay sa Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS), samantalang ang P500 milyon ay pinamahala sa POC, at ang P1 bilyon ay ginamit ng PSC.



Idiniin din ni PHISGOC Chief Operating Officer (COO) Ramon Suzara na nitong September 4, 2020 lamang nila natanggap ang kabuuan ng pondong nilaan para sa gastusin ng SEA games. Ito ay halos 10 buwan matapos ng pagdaraos ng SEA Games. Dahil sa bagal ng release ng pondo, naantala din ang lahat ng proseso tulad ng liquidation at pag-audit.

Nilinaw ni Cayetano na bawat sentimo na binigay sa PHISGOC ay ginamit sa tama at hindi winaldas. Tiniyak din niyang kasalukuyang ginagawa ang financial audit at maisasapubliko ang laman nito pag tapos na.

Nabanggit din ni Suzara na humigit kumulang ay 91 % na ng kabuuang perang binigay ng PSC sa Organizing Committee ay nasumite na ang mga liquidation report.

Tanong ng marami: Baka naman may pansariling agenda lamang ang mga miyembro ng POC na nagsampa ng kaso sa PHISGOC? Nalalapit na kasi ang eleksyon sa POC, bago matapos ang Nobyembre. Ginagamit ang isyu ng PHISGOC at SEA Games para madiskaril ang kandidatura ng kasalukuyang POC President na si Cong. Bambol Tolentino. Ang kanyang kalaban na si Jesus Clint Aranas ay isa sa nagdemanda sa PHISGOC tungkol sa hindi pagsusumite ng financial report.

Marahil ay hindi matanggap ni Aranas na ang tulad ni Cong. Cayetano at Cong. Bambol ang nakapag-ayos ng gusot na hindi nila nagawa. Mismo!

Para sa mga nag-iingay at pilit naghahanap ng isyung maibabato sa mag nag-organisa sa successful SEA Games, tigilan na ninyo ang pamumulitika sa sports. Sports lang, no bad poltics pls…