Advertisers

Advertisers

Pauwi na sana galing duty… Nurse nasawi sa bumaliktad na ambulansya

0 206

Advertisers

Cagayan – Nasawi ang isang nurse nang bumaliktad ang sinakyang ambulansiya sa bahagi ng Barangay Camasi, Peñablanca dito sa lalawigan.
Ayon kay Capt. Rohaina Asalan, hepe ng Peñablanca PNP, sa kanilang imbestigasyon, galing ng San Pablo, Isabela ang ambulansiya sakay ang nurse na si Elizabeth Damil ng Barangay Cataggaman, Tuguegarao City, Cagayan.
Nang makarating ang ambulance sa Bgy. Camasi, sumabog ang isang gulong sa harapan ng sasakyan, dahilan para mawalan ng kontrol ang driver na si Jojo Agustin Pacheco sa manebela na sanhi ng pagbaliktad ng ambulansiya.
Ang biktima ay naipit, dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Nabatid na ihahatid sana ang biktima sa kanilang lugar matapos na mag-duty sa San Pablo, Isabela. (REY VELASCO)