Advertisers

Advertisers

PUV operators may SAP 2 sa sunod na linggo

0 214

Advertisers

MAIBIBIGAY na sa mga kwalipikadong public utility vehicle (PUV) operators ang kanilang ayuda sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 sa Lunes, Nobyembre 16.
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board National Capital Region (LTFRB-NCR) Director Zona Tamayo, mayroong dalawang programa sa ilalim ng Bayanihan 2 ang ipapatupad nila.
Una ay ang direct cash benefit para sa mga operators at ang ikalawa ay ang servicing contracting program.
Ang ₱1.2 billion na inilaan para sa road sector para sa direct cash benefit, nakalatag na ang mga dokumento at ipinasa na sa Landbank ang mga data, na siyang magdedeposito ng cash benefit sa mga operator.
Nasa ₱6,500 per unit ang inilaan sa bawat operators.
Subalit inihayag ni Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren de Luna, hindi ito magandang balita para sa kanilang mga miyembro lalo na at higit 400,000 ang kanilang mga miyembro sa buong bansa.
Ayon kay de Luna, kailangang linawin kung sinu-sino ang mga makikinabang sa direct assistance.