Advertisers

Advertisers

Sigaw ng mga residente ng Montalban, Rizal: ‘Nandito na kami sa bubong’

0 355

Advertisers

HUMINGI ng tulong ang ilang residente ng Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal nang kainin ng baha ang kanilang bahay dahil sa lakas ng ulan na dala ng bagyong Ulysses nitong Huwebes ng umaga.
Ayon kay Rico Ochondia, residente ng Kasiglahan Village, may 30 katao ang nasa bubong ng mga bahay dahil sa biglang pagtaas ng baha sa Montalban.
“Nandito na po kami sa bubong. Sa ngayon tumataas na po ang baha. Marami po kami dito kasama ang asawa at dalawang bata, nasa 2nd floor kami, inabot na po kami…’Yung mga bahay hindi na po makita,” sigaw ng ilang residente ng Montalban.
“‘Yung mga gamit namin, walang wala na. Walang natira…Sana masaklolohan niyo kami rito.”