Advertisers

Advertisers

6 construction workers natabunan ng gumuhong lupa

0 251

Advertisers

NAILIGTAS ang anim katao na pawang mga construction workers sa isang pribadong gusali nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang barracks dahil sa bagyong Ulysses, nitong Huwebes sa Tagaytay, Cavite.
Kinilala ang mga biktima na sina Hirolico Arzadon, 44, residente ng Brgy. Nagullan, Lal-lo, Cagayan; Norencio Del Rosario, 21ng Cainta, Rizal; Joan Abenir, 38, residente ng Naguillan, Lal-lo, Cagayan; Mawel Magalaman, 24, ng Antipolo City, Rizal; Cristopher Silang, 20 ng Nasugbu, Batangas; at Edwin Urmanita, 39, ng Negros Orriental, pawang mga construction workers at mga stay sa RJ De Leon Construction sa Barangay Iruhin East, Tagaytay City .
Sa ulat, 9:00 ng umaga sa kasagsagan ng bagyong Ulysses at nasa loob ng lamang barracks ang mga biktima biglang magka-landslide at tuloy tuloy na natabunan ang mga Ito.
Agad namang nagtulong tulong ang mga kasamahan sa trabaho ng mga biktima at mga rescuers. At naiahon ang mga biktima makalipas ang mahigit sa isang oras na paghuhukay.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktima. (Irine Gascon)