Bulkang Mayon nakataas sa alert level 1
Advertisers
NAKATAAS sa alert level 1 ang bulkang Mayon matapos makapagtala ng pitong (7) pagguho ng bato sa nakalipas na 24 oras iniulat kanina Nobyembre 13,2020 (Biyernes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Kaugnay nito pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ang bulkang Mayon na nanatiling nasa alert level 1 na ang ibig sabihin ay patuloy sa abnormal ang kondisyon ng bulkan.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta sa pagguho ng bato mula sa taas ng bulkan,landslides/at pagguho ng lupa mula sa itaas ng bulkan.
Ayon pa sa ahensya na iwasan rin ang pagpasok sa mga river channels at ilog malapit sa bulkan dahil sa banta ng lahar sa sandaling bumuhos ang malakas na ulan.
Itinuturing na active volcano ang bulkang Mayon dahil sa mga pag-aalboroto nito nitong mga nakalipas na mga taon. (Boy Celario)