Advertisers

Advertisers

Covid-19update: 506 gumaling; 31 nasawi; 1,902 bagong kaso

0 235

Advertisers

NANGUNA sa talaan ng Department of Health (DOH) ang Cavite sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 hanggang nitong alas-4 ng hapon ng Biyernes, Nobyembre 13.
Sa inilabas ng DOH na COVID-19 case bulletin no.244, nakapagtala ang Cavite ng may 122 kaso na sinundan ng Davao City, 113; Quezon City, 84; Bulacan, 81 at Manila na may kasong 78.
May 1,902 bagong kaso naman ng COVID-19, ang naitala kaya umabot na sa kabuuang 404,713 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng virus.
Nasa may 506 naman ang nakarekober sa sakit dahilan para umabot sa 362,903 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit.
Nadagdagan naman ng 31 ang namatay sa sakit kaya nasa 7,752 na ang kabuuang bilang ng nasawi.
Habang 34,058 ang aktibong kaso ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)