Advertisers

Advertisers

Retiradong BFP, nagpaputok ng baril nang kagatin ng aso ang alagang manok

0 242

Advertisers

Kinumpirma ni Police Captain Johnveil Maramag, chief of police ng PNP-Marcos ang pagpapaputok ng baril ang retiradong kasapi ng BFP sa Barangay Fortuna sa Laoag city.
Nakilala ito na si Emerito Albano, retirado na kasapi ng BFP at residente sa nasabing bayan.
Sa report, inamin ni Albano na nagpaputok ng dalawang beses at isinuko nito ang caliber 45 na baril nito.
Ayon sa paliwanag ni Albano, nagalit ito nang kagatin ng aso ng kapitbahay ang kanyang mga alagang manok.
Ayon sa ulat, wala naman nasaktan na tao sa pagpapaputok ni Albano ng baril at kumpleto ang dokumento ng baril tulad ng LTOP at may Permit to carry firearms outside residence ito.
Sinampahan pa rin ng kaso si Albano ng Alarm and Scandal.(PFT team)