Advertisers
Patay ang 46-anyos na negosyante nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang nakikipag-usap sa kanyang kapitbahay sa Navotas City nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Gualberto Arizala, Jr. ng Bkl 38 Lot 10 Phase 2 Area 4 Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan.
Sa ulat, 6:00 ng umaga, kausap ng biktima ang kanyang kapitbahay na si Rolando Garcia, 53, tricycle driver, sa Blk. 38 Martiniko basketball court, Brgy. NBBS Dagat-dagatan nang dumating ang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril si Arizala sa harap ng kausap.
At mabilis na tumakas sakay sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng hindi rin kilalang kasabwat patungong Malabon City area.
Kaagad namang nagsagawa ng dragnet operation ang Kaunlaran Police Sub-Station sa kahabaan ng Maya-Maya St. Brgy. NBBS subali;t nabigo ang mga ito na maaresto at matukoy ang pagkakilanlan ng mga salarin.
Patuloy ang follow-up investigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga salarin at inaalam pa ang motibo sa insidente.(Beth Samson)